Thursday, 15 June 2017

Golden Chicken And The Golden Egg

golden-chicken-egg-tesston-aps

Dito Sa Post na ito... Gusto ko lang i-share sa inyo 'yung nabasa ko kanina na libro....Nabasa ko yung librong yun mula kay Bo Sanchez and I really like the lesson behind kasi napaka realistic nito at napansin ko din ito sa mga kakilala kong nagwo-work.




Isang gabi may bumisita na alien dito sa planet earth.

Pinagmasdan nya ang lagay ng tao at naawa sya sa lagay ng mga ito dahil karamihan sa mga ito ay naghihirap.

Halos walang makain, at araw-araw na nasa bukid para lang may makain ang pamilya.
Sa awa ng ailien, napagdesisyunan niyang mag iwan ng isang Golden Chicken.

Iniwan nya ito sa bakuran nila Mang Thomas na isang magbubikid,
At sa isang kisap mata pinatakbo nya ng mabilis ang kanyang spaceship at nawala ng parang bula.

Pagsapit ng umaga, nagulat si Mang Thomas ng may mapansin siyang kakaibang creature sa kanyang bakuran ( yun ang golden chicken ).

Nagtaka siya at naitanong sa kanyang sarili kung saan nagmula ang Golden Chicken.

Habang papalapit sa Golden Chicken may napansin siyang isang makintab na bilog na kumikinang.

Kaagad nya itong nilapitan at laking gulat niya ng malamang isang gintong itlog ang inilabas ng Golden Chicken.


Sa labis na tuwa, kaagad nya itong ibinenta sa bayan at bumili siya ng maraming pagkain, damit at mga gamit sa bahay.


Napakasaya nya ng araw na yun. 

Ng sumunod na buwan, hindi makapaniwala si Mang Thomas dahil nangitlog na naman ng golden Egg ang Golden Chicken.

Kaagad nya ulit itong ibinenta, at bumili agad siya ng mga gadyet, mamahaling sasakyan at isang 60 inch plasma TV para sa kanyang pamilya.


Another great day para kay Mang Thomas. 
Pero ng sumunod na araw, naging mainipin si Mang Thomas.


Alam nya na kasi na kailangan nya na namang maghintay ng another one month para mangitlog ang Golden Chicken. Dahil Gustong gusto nya ng magkaroon ng sarili nyang helicopter.


Kaya naka isip sya ng magandang idea.

Alam nya na kapag pinatay niya ang Golden Chicken makikita nya sa loob ng tiyan nito ang maraming Golden Eggs at hindi nya na kailangan pangmaghintay pa ng another one month para lang makakuha ulit ng itlog.


Kaya ang ginawa nya, kumuha sya ng matalim na kutsilyo at pinatay niya ang Golden Chicken.


Kaagad niyang hinawa ang tiyan sa pag aakalang marami syang golden egg na makukuha.


Pero laking gulat nya ng makita nya na wala ni isang itlog sa loob ng tiyan ng Golden Chicken.

Labis na pagsisisi at lungkot ang naramdaman ni Mang Thomas.

" Wala na ang Golden Chicken at wala na ring magbibigay sa kanya ng Golden Egg. "

Nagsimulang maghirap si Mang Thomas, at dahil dun wala na syang ibang choice kundi ibenta ang lahat ng damit, gadget, furniture at sasakyang nabili nya.


At sa loob ng isang taon, naghirap muli si Mang Thomas.

Isang araw habang naglalakad, nakasalubong niya ang isang napakayamang lalaki.
Nakangiti ito at nagpasalamat sa kanya.
Sa labis pagtataka, tinanong nya ito. " Bakit ka nagpapasalamat sakin? "

" Naaalala mo ba yung itlog na binenta mo sakin?"

" Oo naman, "
" Well, napisa yung itlog. " sabi ng mayamang lalaki

" Anong ibig mong sabihing napisa?" sambit ni Mang Pong na may halong pagtataka.


" Iniligay ko yun sa incubator at inilagaan sa loob ng 12 buwan.


Napisa ito at isang Golden Chicken ang lumabas. At ngayon nangingitlog na ito ng Golden Egg. "


Hindi makapaniwala si Mang Pong sa kanyang narinig.
Wala syang nagawa kundi umalis ng nalulungkot.

Nagsisisi na sana di nya na lang pinatay ang Golden Chicken.


-------------------End of the story------------------

Minsan karamihan sa atin ay katulad ni Mang Thomas.

Sumasahod nga buwan-buwan pero walang naiipon.

Siguro ang naiipon dun is UTANG.
In real world, there are two emotions that control people in their life: Fear and Greediness"   
Karamihan sa atin porke may hawak na malaking pera ang iniisip agad ay kung saan gagastusin o kung ano ang bibilhin.

In short, gastos dun at gastos dito.

Hindi nila naisip na baka isang araw, mawalan sila ng trabaho at mawalan ng source of income.
Hindi nila naiisip na baka yung blessing na natatanggap nila sa ngayon ay may katapusan. Hindi nila naisip kung anong future ang merun sila kung ganung mindset ang merun sila sa buhay.
 Sila yung tinatawag na " ONE DAY MILLIONAIRE ", na kapag ubos na ang pera titingala na lang at maghihintay ng panibagong grasya.
Hindi ko nilalahat pero marami talaga ang may ganung pananaw at gawain sa buhay. Ayaw nilang tumulad dun sa mayamang lalaki na nag invest ng time at sarili niya para mas mapakinabangan nya yung itlog in the long term.
Ang gusto lagi natin is for the short term. Tigilan na natin yung ganung ugali na nakaugalian natin, " yung ubos ubos biyaya, pagkatapos nakatingala. " Matuto tayong mag invest para ng sa ganun atleast alam na natin na may mas maganda at malaking blessing na makukuha natin in the future. 


Work Hard and Work Smart. Never Quit, Never Surrender, and Never Give-up. Greatness will come.


 Thank you and God Bless!